^

Probinsiya

Lider ng drug group, ka-live in arestado

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Nalambat ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit( CDEU) ang lider ng isang drug group at kanyang live in partner makaraang magsagawa ng buy-bust ­operation sa kanilang inuupahang bahay sa Purok Tulungan, Barangay Ibabang Iyam, dito ka­makalawa ng umaga.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, ang mga naaresto ay kinilalang sina Alexander Lamping alyas “Alex”, 23, residente ng Datu Ismael, Dasmariñas City, Cavite at lider ng Lamping Drug Group na kumikilos sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Quezon at kabilang sa talaan ng mga high value target ­­ (HVT) at kinakasamang si Jennelyn Edrad, 23- anyos.

Nabatid na dakong alas-6:55 ng umaga nang isagawa ng mga awtoridad ang buy-bust. Nakumpiskahan ang mga suspek ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P17,952.00, P500 marked money at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Lt. Col. Albacea, may posibilidad na naidispatsa na agad ng mga suspek ang mala­king bulto ng shabu na nanggaling pa sa Cavite.

vuukle comment

HVT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with