^

Probinsiya

Pulilan, unang susuplayan ng bakuna sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

PULILAN, Bulacan, Philippines — Tiyak nang makakakuha ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga mamamayan ng Pulilan ngayong nalagdaan na ang Tripartite Agreement sa pagitan ng Go Negosyo, AstraZeneca at ng Pamahalaang Ba­yan ng Pulilan. Ito ang kauna-unahang bayan na masusuplayan ng bakuna sa Bulacan.

Ang kasunduan ay nagpapabilang sa Pulilan na masusuplayan ng bakunang AstraZeneca ng United Kingdom sa pamamagitan ng Go Negosyo na isang institusyong pangkabuhayan.

Ayon kay Pulilan Mayor Maria Rosario Ochoa-Montejo, may inilaan nang P20 milyon ang pamahalaang bayan para makabili ng 80,000 doses ng bakuna para sa may 40,000 katao o katumbas ng 35-40% na populasyon ng Pulilan.

Prayoridad dito ang mga may edad na 16 na taong gulang pataas. Target maipadeliver sa Pulilan ang mga bakuna mula sa United Kingdom sa susunod na tatlong buwan habang tinata­yang makakapagbakuna na sa third quarter ng 2021.

May inisyal na umanong walong refri­geration facilities ang binili ng pamahalaang bayan, habang kinakausap na ni Mayor Montejo ang mga pribadong planta sa Pulilan na may kakayahan sa refrigeration upang makapag-augment sakaling kailanganin ng karagdagang mga pasilidad.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with