^
Brgy. secretary todas sa ambush
Napuruhan ng punglo sa tiyan at namatay habang nilalapatan ng lunas sa Masbate Doctors Hospital sa Masbate City ang biktimang si Ronelo Lanorias Sartin, isang kilalang negosyante at barangay secretary ng Brgy. Ma­latawan, Palanas.
STAR/File

Brgy. secretary todas sa ambush

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

USON, Masbate, Philippines — Patay ang isang 39-anyos na negosyante at tumatayo ring barangay secretary matapos na tambangan at barilin ng hindi nakilalang gunman habang sakay ng motorsiklo sa Brgy. Del Carmen ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng punglo sa tiyan at namatay habang nilalapatan ng lunas sa Masbate Doctors Hospital sa Masbate City ang biktimang si Ronelo Lanorias Sartin, isang kilalang negosyante at barangay secretary ng Brgy. Ma­latawan, Palanas.

Sa ulat, dakong alas-10 ng gabi habang sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at binabagtas ang kahabaan ng highway ng Brgy. Del Carmen pauwi sa kanilang lugar nang madaanan ang hindi nakilalang gunman na nakaabang sa tabi ng kalsada.

Agad na pinaputukan ng suspek ang biktima na tinamaan sa kanang ba­hagi ng kanyang tiyan. Nagawa pa niyang imaneho ang motorsiklo patakas sa lugar at nakahingi ng saklolo sa mga residente na agad nagdala sa kanya sa pagamutan pero nasawi ang biktima habang nilalapatan nang lunas.

AMBUSH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with