^
Most wanted carjacker, timbog sa Bulacan
Sa ulat na tinanggap ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, kinilala ang nasakoteng suspect na si Christian Aguas, 35-anyos, isang notoryus na miyembro ng carjacking gang.
STAR/File

Most wanted carjacker, timbog sa Bulacan

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga ­operatiba ng PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) kasunod ng pagkakaaresto sa No. 8 most wanted carjacker sa isinagawang operasyon sa Bulacan, ayon sa opisyal kahapon.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Chief P/Gen. Debold Sinas, kinilala ang nasakoteng suspect na si Christian Aguas, 35-anyos, isang notoryus na miyembro ng carjacking gang.

Ayon kay Sinas si Aguas ay nasakote ng PNP-HPG operatives matapos ang 3 araw na surveillance operations sa illegal nitong aktibidades hanggang sa matiyempuhan ito sa kaniyang pinagtataguan sa Brgy. Inaon, Pulilan, Bulacan nitong Huwebes.

Si Aguas at ang grupo nito ay sangkot sa serye ng carjacking sa Cavite, Pasay City at Bulacan.

Sa tala ng tanggapan ni PNP-HPG director P/Brig. Gen. Alexander Tagum, si Aguas ay akusado sa carnapping at qualified theft sa sala ni Grace Ruiz, presiding judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 22 sa Malolos City, at may warrant of arrest. Siya rin ang itinuturong responsable sa pagkarnap ng Toyota Hi-Ace GL (TOP-188) noong Hulyo 5,2019 sa Brgy. Tinejero, Pulilan, Bulacan.

MOST WANTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with