^

Vice gov, mayor nagpositibo sa COVID-19

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Magkasunod na inamin ng isang bise gobernador ng Cagayan at mayor ng Bontoc, Mountain Pro­vince na nagpositibo sila sa CO­VID-19.

Sa kanyang social media post, sinabi Vice Governor Melvin “Boy” Vargas na asymptomatic o walang siyang nararamdamang sintomas.

Bunsod nito, isinara ang tanggapan ng bise gobernador sa Kapitolyo pati na ang gusali ng Sangguniang Panlalawigan upang isagawa ang masusing disinfection.

Nauna rito, naging ­abala ang bise gobernador nitong nagdaang linggo sa pagpapamudmod ng relief goods dito sa lungsod at sa mga bayan ng Gattaran, Enrile at Amulung. Nakadaupang palad nito ang mga local artist ng Cagayan sa kanyang opisina at mga barangay officials sa Piat.

Samantala, inamin ni Bontoc, Mountain Province Mayor Franklin Odsey sa kanyang social media post noong Biyernes ng gabi na tinamaan siya ng CO­VID-9 pero asymptomatic.

Naka-isolate na si Odsey habang naka-quarantine na rin ang kanyang pamilya, kasambahay at office staff na anumang oras ay kukunan ng swab samples para sa RT-PCR test.

Kapwa nakiusap ang dalawang nabanggit na opisyal sa kanilang mga nakasalamuha sa loob ng huling 14 araw na sumailalim din sa self isolation at pakiramdaman ang sarili.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with