^

Caretaker arestado sa panggagahasa

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2021 - 12:00am

LAUR, NUEVA Ecija, Philippines — Isang 20-anyos na caretaker ng farm ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Rizal at Laur Municipal Police dahil sa panggagahasa umano sa isang menor-de-edad sa Barangay Sta. Monica, Rizal nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni P/Captain Christopher Baluyot, hepe ng Laur Police, ang suspek na si Steven Ruiz, 20, binata, at katiwala sa isang farm sa Laur at naninirahan sa Brgy. San Fernando, dito.

Ayon kay Baluyot, mahigit isang taon nang natatago ang suspek na sinasabing ilang beses na gumahasa sa isang noo’y 12-anyos na batang babae na taga-Angeles City, Pampanga.

Sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Katrina Nora Buan Factora ng RTC Branch 10, Angeles City, Pampanga, dinakma ng kapulisan ang nasabing suspek dakong alas-11 ng umaga sa kanyang pinagtataguan sa nasabing lugar.

“Yun pong mismong magulang ang nagsampa ng kaso laban sa suspek dahil nga minor yung biktima”, ayon kay P/SSgt. Johnson Bondad, imbestigador ng kaso.

Sa kabila nito, paulit-ulit umanong inuusal ni Ruiz sa selda na nagmamahalan sila ng batang biktima.

CARETAKER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with