^
4 pulis timbog sa shabu lab sa Subic freeport
Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na sina Lt. Reynato Basa, Jr., Cpl. Gino Dela Cruz, Cpl. Edesyr Victor Alipio, Cpl. Godfrey Duclayan Parentela, pawang nakatalaga sa Olongapo City Police Station 2-Drug Enforcement Unit, at isang Jericho Dabu sa ikinasang buy-bust operation kung saan nabuking sila sa loob ng shabu laboratory sa Finback Street, Kalayaan Housing Area, Subic Bay Freeport Zone.
STAR/File

4 pulis timbog sa shabu lab sa Subic freeport

Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

BAGUIO CITY, Philippines — Isang shabu laboratory ang aksidenteng nadiskubre ng pulisya kasabay ng pagkakaaresto ng apat na pulis-Olongapo at isang sibilyan matapos ang isinagawang drug operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Criminal Investigation and Detection group (CIDG)-Zambales at PNP-Maritime Group sa loob ng Subic Bay Freeport kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na sina Lt. Reynato Basa, Jr., Cpl. Gino Dela Cruz, Cpl. Edesyr Victor Alipio, Cpl. Godfrey Duclayan Parentela, pawang nakatalaga sa Olongapo City Police Station 2-Drug Enforcement Unit, at isang Jericho Dabu sa ikinasang buy-bust operation kung saan nabuking sila sa loob ng shabu laboratory sa Finback Street, Kalayaan Housing Area, Subic Bay Freeport Zone.

 Ayon sa mga otoridad, nadiskubre ang shabu lab nang tumakbo si Dabu sa bahay na kung saan ginagawa ang shabu nang aktong huhuliin na siya sa buy-bust.

 Natiklo naman ang apat na pulis na hinihinalang mga protector ng droga matapos magsilbi umano silang lookout ni Dabu habang nakiki­pagtransaksyon sa poseur buyer.

 Ayon sa PDEA, isang Canadian na nagngangalang Timothy Hartley, ang nasa likod ng shabu lab at isa ring Pilipino na diumano’y cook ng shabu ang kapwa tinutugis ng mga otoridad.

Nasamsam sa lugar ang 300 gramo ng shabu, laboratory equipment sa paggawa ng shabu, apat na Glock 17, 9mm na may mga serial numbers:  PNP55624; PNP65664; PNP65993 at PNP12606; isang Honda Civic VTI 1996 model (UKM 779), boodle money at iba pang personal na gamit.

Dahil dito, inutos ni Olongapo City Mayor Leanj Paulino ang pagsasailalim sa drug testing sa lahat ng pulis sa kanyang teritoryo matapos ang pagkakahuli ng apat at pagkakadiskubre ng shabu lab sa loob ng freeport. - Raymund Catindig at Doris Franche

PDEA SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with