^

7 arestado sa drug session

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

BAAO, Camarines Sur, Philippines — Kalaboso ang pito katao matapos na maaktuhang sumisinghot ng droga at makuhanan pa ng shabu at pinatuyong dahon ng marijuana sa ginawang search warrant operation ng mga pulis sa bahay ng notoryusong tulak ng droga sa Zone-3, Brgy. San Juan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Sinampahan na ng kaso ang mga suspek na kinilalang sina Rimel Laniog Dacara, ng Brgy. San Agustin; Sofronio Fornaliza Agapito, residente ng Brgy. Sta.Teresita; Ma.Theresa Lucena Castillo, ng Brgy. San Jose; pawang sa Iriga City; Vinvenido Comprado Baita, Maria Elizabeth Beroin, William San Miguel Embestro at Serafin De Lima Botin, mga residente ng Baao, Camarines Sur.

Hindi naman inabutan pero kasamang sinampahan ng kaso ang target ng search warrant operation at may-ari ng bahay na si Eugene Benosa Baita, na nasa recalibrated priority list sa droga.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi, bitbit ang search warrant na inisyu ni Judge Martessa Nuylan Rodrigueza ng Iriga City Regional Trial Court, mabilis na sinalakay ng 2nd Mobile Force Company at Baao Police ang bahay ni Baita. Gayunman, wala ang nasabing suspek pero naaktuhang bumabatak ng shabu ang naturang pitong suspek.

Nakumpiska sa bahay ang apat na malalaking sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P80,000 at apat na malalaking sachet ng marijuana na nasa P5,000 ang halaga, isang digital weighing scale at iba’t ibang drug paraphernalia.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with