^

9 kontak ng OFW na may UK variant, nagpositibo sa COVID-19

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Siyam na kaanak at close contacts sa Cagayan ng isang overseas Filipino worker (OFW) na nakitaan ng UK variant ng CO­VID-19 ang nagpositibo sa coronavirus.

Ang resulta ng pagsusuri ng Philippine Genome Center (PGC) sa specimens ng siyam na taga bayan ng Solana, Caga­yan ay inihayag ni DOH undersecretary Rosario Vergeire noong Huwebes.

Ayon kay Vergeire, kinumpleto ng PGC ang pagsusuri sa siyam at hindi sila nakitaan ng UK variant ng COVID -19 na madaling kumalat.

Sinabi naman sa PSN ni Region 2 DOH Director Rio Magpantay na isinailalim sa home quarantine ang naturang siyam na contacts na pawang nasa strict monitoring ng Solana LGU.

Matatandaan na negatibo sa COVID 19 ang natukoy na OFW nang lumuwas ito sa Maynila noong Disyembre 27 at nang makarating sa HongKong habang naka- quarantine ay lumabas na positibo sa UK variant nitong Enero.

COVID-19 VARIANT OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with