^

May ‘person of interest’ na – pulisya kidnap-slay ng 3 bading, nahagip ng CCTV

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 16, 2021 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Dahil sa tulong ng CCTV ca­mera, natukoy ng mga awtoridad ang sasak­yang tumangay sa tatlong miyembro ng LGBT na natagpuang kapwa naagnas kasama ang isa pang bangkay sa matarik na bangin ng Brgy. San Jose sa Tagaytay City kamakalawa ng umaga.

Ayon sa Cavite Police, may “person of interest” na silang tinututukan sa brutal na pagpatay sa mga biktimang sina Lino ”Nicole” Quilanita, Mark ”Erika” Ian Endrina, Glelar “Ar-ar” Bondoc na isang kagawad; pawang taga-Brgy. Ligas 2, Bacoor City, habang isa pang di kilalang bangkay ang narekober din sa bangin.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, nag-iinuman ang tatlong nabanggit na biktima kasama ang tatlong kabataan sa Ecotrend Subd. Brgy. Ligas 2 nang unang umalis si Erika para makipag-inuman din sa Tortona Subd., Brgy. Ligas 3 noong Disyembre 18, 2020 ng gabi.

Napag-alaman na madaling araw ng Dis­yembre 19 nang pa­sukin ng mga armadong lalaki ang kinaroroonan ni Erika at mga kasama nito lulan ng Mitsubishi Montero na may plakang DAH 7942 base sa nakalap na CCTV.

Agad tinungo ng pulisya ang may-ari ng SUV sa San Pablo City, Laguna matapos ang beripikasyon subalit ang mismong may-ari ng sasakyan ang nagpatunay na ninakaw ang plaka nito noong Oktubre 2019 kung saan ipinakita ang kanyang affidavit of loss.

Gayunman, noong Miyerkulas ng gabi ay natagpuan ang mga bangkay nina Quilanita at Endrina sa may 30 talampakang lalim na bangin sa nasabing barangay kung saan positibo silang kinilala ng kanilang mga kaanak sa punerarya sa Brgy. Bulihan, Silang.

Sinisilip ng pulisya ang dalawang anggulong may kinalaman sa pagiging katiwala ni Erika sa paghawak ng milyong salapi at may kinalaman sa drug trade.

KIDNAP KRIMEN LGBT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with