^

Probinsiya

2 drug pusher todas sa buy-bust

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
2 drug pusher todas sa buy-bust
Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director ang dalawang suspek na sina Ronald Ramos na napatay sa Sitio Gulod, Brgy. Pantubig, San Rafael, Bulacan, alas 10:00 ng gabi.
STAR/ File

MALOLOS CITY, Bulacan ,Philippines — Dalawang tulak ng ipinagbabawal na droga ang napatay ng mga otoridad sa magkahiwalay na drug bust sa lalawigang ito,kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director ang dalawang  suspek na sina Ronald Ramos na napatay sa Sitio Gulod, Brgy. Pantubig, San Rafael, Bulacan, alas 10:00 ng gabi.

Habang ang ikalawang suspek na si Alvin Cruz ay napatay naman sa Brgy. Camachile, Doña Remedios Trinidad,dakong alas 12:50 ng madaling araw.

Narekober sa dalawang napatay na suspek ang labing anim na small plastic sachet ng shabu, isang cal .32 revolver, isang cal. 38 revolver, buy-bust money at drug paraphernalia.

Samantala,naaresto ng San Miguel at Malabon police ang tinaguriang “shabu” queen ng Malabon City na  si Noemi Esquerra sa isi­nagawang buy-bust dakong alas-11:19 ng gabi sa Brgy. Longos, Malabon City.

Narekober kay Esquerra ang 11 medium plastic sachet ng shabu na tumi­timbang ng 50gramo na nagkakahalaga ng 425K.

Isinagawa ang drug bust kay Esquerra matapos na pangalanan ito ng isang tulak na una nilang naaresto sa San Miguel, Bulacan at positibong itinuro ang shabu queen na kanyang source at kinukuhanan ng shabu.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with