^

Probinsiya

10 BJMP, 1 inmate nagpositibo sa COVID-19

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
10 BJMP, 1 inmate nagpositibo sa COVID-19
Ayon sa Municipal Health Office, ang mga nagpositibong kawani ay bumalik sa kanilang tungkulin mula sa 21 araw na bakasyon noong Disyembre 30 at isinalang sa swab test kasama ng 16 pa nilang kabaro na nag-negatibo.
AFP/Maria Tan

TUGUEGARAO CITY Cagayan, Philippines — Sampung tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na bumalik sa tungkulin mula sa kanilang Christmas vacation ang nagpositibo sa COVID-19 sa Kiangan, Ifugao kahapon.

Ayon sa Municipal Health Office, ang mga nagpositibong kawani ay bumalik sa kanilang tungkulin mula sa 21 araw na bakasyon noong Disyembre 30 at isinalang sa swab test kasama ng 16 pa nilang kabaro na nag-negatibo.

Tig-apat sa Baguio City at Mountain Province, tig-isa sa Isabela at Asipulo, Ifugao ang mga tinamaan ng virus.

Bukod sa kanilang pakikisalamuha sa labas upang bumahagi sa pagtitipon sa mga kaanak at kababa­yan noong kapaskuhan ay nagkaroon din ng exposure ang sampu sa isang preso na nakatakdang ilipat sa Muntinlupa, subalit nagposi­tibo sa COVID-19.

Ang sampung nagpositibong kawani, isa sa kanila ay babae, ay isinailalim sa quarantine isolation facility ng institusyon.

Dalawa sa sampu ay pawang asymptomatic habang ang iba ay nakaranas ng lagnat, sipon, pangangati ng lalamunan at pananakit ng katawan.

Nakatakda rin isalilalim ang 127 iba pang mga bilanggo sa naturang  piitan na dumaan sa masusing disinfection.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with