^

Probinsiya

5 drug suspek tiklo sa P100K shabu

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
5 drug suspek tiklo sa P100K shabu
Kinilala ni Police Col. Marvin Joe Saro, Nueva Ecija Police provincial director, ang limang nahuling suspek na sina Danilo Manaluz, alyas Pats, 45,may-asawa, na Top 9 sa provincial priority target list; Resy Villegas, 30, binata at nasa watchlist ng San Antonio PNP; Ian Villegas, 37, binata, nakatatandang kapatid umano ni Resy; Jaymar Villegas, 25, binata; at Jeffrey Ocampo, 29, may-asawa; lahat ay pawang mga nakatira sa nasabing bayan.
KJ Rosales/ File

SAN ANTONIO, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang limang lalaking drug suspects na kabilang sa top 9 sa provincial priority target list sa isang buy-bust operation sa kanilang drug den sa Purok 4 ng Barangay Buliran, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Police Col. Marvin Joe Saro, Nueva Ecija Police provincial director, ang limang nahuling suspek na sina Danilo Manaluz, alyas Pats, 45,may-asawa, na Top 9 sa provincial priority target list; Resy Villegas, 30, binata at nasa watchlist ng San Antonio PNP; Ian Villegas, 37, binata, nakatatandang kapatid umano ni Resy; Jaymar Villegas, 25, binata; at Jeffrey Ocampo, 29, may-asawa; lahat ay pawang mga nakatira sa nasabing bayan.

Nabatid na bandang alas-3:30 ng hapon nang isagawa ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency – Nueva Ecija (PDEA-NE), PDEA Bataan Police Office, Nueva Ecija Police Office, at San Antonio Police Station.

Nakumpiska sa limang suspek ang 7 piraso ng plastic sachet ng umano’y naglalaman ng shabu na may estimated weight na 15 grams at halagang aabot sa P102,000, at ang P500-bill na “marked money”.

Nakatakdang sampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with