2 negosyante binistay ng bala
Kinilala ang mga nasawi na sina Antonio Sumapal, 50-anyos, may asawa, isang drayber at Jasmin Mamaluba, 47-anyos, may asawa na pawang mga residente ng Brgy. Cabuling, Banga, South Cotabato.
STAR/File

2 negosyante binistay ng bala

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Bumulagta ang dalawang negosyante ma­tapos na paulanan ng bala ng ‘di kilalang mga lalaki sa Brgy. Poblacion, bayan ng Matalam, dito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Antonio Sumapal, 50-anyos, may asawa, isang drayber at Jasmin Mamaluba, 47-anyos, may asawa na pawang mga residente ng Brgy. Cabuling, Banga, South Cotabato.

Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, nag-aayos lamang ng mga karga sa kanilang Mitsubishi Canter (mini-elf truck) ang dalawa nang pagbabarilin ng ‘di pa naki­kilang mga salarin sa bahagi ng National Highway sa Purok Yellow Bell, Brgy. Poblacion dakong alas-2:50 ng hapon kahapon.

Nagtamo ng mga tama sa punglo­ sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktima na nagresulta ng aga­ran nilang kamatayan habang mabilis na tumakas ang mga suspek.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with