^

Hepe ng DEU na adik, pinasisibak ni Sinas

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinasisibak ni PNP chief General Debold Sinas sa serbisyo ang hepe ng Zamboanga City Police-Drug Enforce­ment Unit (DEU) matapos na magpositibo sa paggamit ng shabu.

Ayon kay Sinas, wa­lang puwang sa PNP si Police Major Jiverston Pelovello na nagposi­tibo sa isinagawang random drug testing.

Sinabi ni Sinas na ang mga abusadong pulis tulad ni Pelovello ay dapat na makasuhan at matanggal sa serbisyo upang hindi na pamarisan pa ng kanyang mga tauhan at kabaro sa PNP.

Agad na inilagay sa restrictive custody si Pelovello sa Regional Personnel Holding and Accounting Section ng Police Regional Office 9 makaraang magpo­sitibo sa droga.

Dagdag pa ni Sinas, 60 na tauhan ng Zamboanga City Police Office ang sinalang sa drug test kasama na ang 12 CDEU personnel pero si Pelovello lang ang nagpositibo sa ilegal na droga noong Disyembre 18, 2020. Lumabas naman ang confirmatory result ng drug test ng opisyal nitong Enero 6, 2021.

Ayon naman kay PRO-9 regional police director BGen. Ronaldo­ Ylagan, agad dinis-armahan ang nasabing opisyal at inilagay sa holding and accounting­ unit ng regional police headquarters.

PNP SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with