^

Trike driver pinatay sa waiting shed

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2021 - 12:00am

GUIMBA, Nueva Ecija, Philippines — Nasawi ang isang 35-anyos na tricycle driver makaraang pagbabarilin ng mga ‘di kilalang salarin habang naghihintay ng pasahero sa isang waiting shed ng Zulueta Subdivision sa Barangay Cawayan ng bayang ito, noong Linggo ng hapon.

Nakabitin pa sa kanyang tricycle nang datnang patay bandang alas-4:15 ng hapon ni P/Major Noel Gutierrez, deputy chief ng Guimba Police, ang biktimang si Patrick Pagaduan, 35, binata ng nabanggit na subdivision.

Ayon sa pulisya, isang concerned citizen ang tumawag sa kanilang istasyon at ini-report ang nangyaring pagpatay sa biktima, bandang alas-3:55 ng hapon.

Tatlong piraso ng fired cartridge cases (FCC), 2 piraso ng bala, at isang slug ng hindi pa tukoy na kalibre ng baril ang nakita sa crime scene. 

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with