^
2 HVT timbog sa higit P4 milyong shabu
Kinilala ang mga nasakote na sina Roger Dichos Ongcoy alyas “Libat”, 43-anyos at Nicasio Jimenez Ongcoy alyas “Nick”, 66; pawang ng Sitio Plastikan, Brgy. Duljo Fatima ng lungsod.
STAR/File

2 HVT timbog sa higit P4 milyong shabu

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang itinuturing na high value target (HVT) makaraang masamsaman ng mahigit P4-milyong halaga ng droga sa anti-illegal drug operation sa Cebu City nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga nasakote na sina Roger Dichos Ongcoy alyas “Libat”, 43-anyos at Nicasio Jimenez Ongcoy alyas “Nick”, 66; pawang ng Sitio Plastikan, Brgy. Duljo Fatima ng lungsod.

Sa ulat na tinanggap ni PNP Chief P/General Debold Sinas, ang da­lawa ay kapwa nasa re­gional database ng mga HVT sa anti-drug campaign sa Central Visayas.

Bandang alas-10:40 ng gabi nang masakote ng pinagsanib na elemento
ng Cebu City Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cebu ang mga suspect sa buy-bust ­operation sa nasabing lugar.

Bago ang operasyon, nakipag-deal ang poseur buyer sa mga suspect na bibili ng droga at itinakda ang bentahan sa kahabaan ng Brgy. Duljo Fatima sa lungsod.

Agad dinakma ang mga suspek sa aktong iniaabot ang droga sa poseur buyer. Nang inspeksyunin ang kanilang dala, tumambad pa ang may 602 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P4,093,000.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with