^

2 tindero ng banig, itinumba

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 9, 2021 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Dead-on-arrival sa Arakan Municipal Health Center ang dalawang nagtitinda ng banig matapos pagbabarilin ng ‘di kilalang suspek sa Sitio Tinanan, Brgy. Dallag, Arakan ng lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Premo Abragan Barinque, 46, may asawa ng Phase-2 Pob. Valencia City at Edmond Almilia, 37, may asawa, at taga-Brgy. Kahaponan, Valencia City; pawang sa Bukidnon.

Ayon sa pulisya, alas-5:20 ng hapon habang sakay ng magkahiwalay na puting Yamaha XTZ 125 at pulang Honda XR 150 motorcyle ang mga biktima at nagbebenta ng banig nang big­lang sumulpot ang armadong suspek at walang kaabug-abog silang pinagbabaril.

Inalis naman ang posibleng pagnanakaw na motibo sa krimen dahil narekober pa kay Barinque ang dalang P3,680.00 cash habang kay Almilia ay nasa katawan nito ang P30,700.00 cash, at ang mga sinakyan nilang motorsiklo.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with