^

GSIS Cauayan City nag-lockdown, tatlong kawani tinamaan ng COVID-19

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Itinigil muna ang transaksiyon sa sangay ng Go­vernment Service Insurance System (GSIS) sa Cauayan City, Isabela matapos isailalim sa lockdown ang kanilang gusali mula kahapon dahil sa tatlo nitong mga kawani na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa pamunuan ng tanggapan maaari pa rin ipursige ng kanilang mga miyembro ang naumpisahang online transactions sa sangay habang isinasagawa nila ang disinfection sa kanilang opisina.

Nabatid na tatlong kawani sa naturang tanggapan ang nagpositibo sa coronavirus nitong mga nakalipas na limang araw.

Ang mga nahawang kawani ay nagkaroon ng exposure sa pakikisalamuha sa mga nagdaang okasyon sa pagdaraos ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Sa ngayon ay umakyat na sa 83 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

GSIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with