^
3 Nigerian timbog sa P10 milyong droga
Ang dalawa sa tatlong Nigerian national na naaresto ng PDEA at Cavite Police sa buy-bust operation matapos makumpiskahan ng 1-kilong shabu sa General Trias City kamakalawa.
PDEA Photo

3 Nigerian timbog sa P10 milyong droga

Cristina Timbang, Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2021 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Arestado ang tatlong Nigerian national matapos na masamsaman ng nasa P10 milyong halaga ng shabu at marijuana sa isinagawang magkasunod na joint operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cavite Police sa Gen. Trias City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga unang naarestong dayuhan na sina Benjamin Enemuo at Chiduben Nwong habang sumunod na nadakip si Ifeanyl Ofoma, pawang pansamantalang nani­nirahan sa Gen. Trias City, ­Cavite.

Sa ulat, dakong alas-8:50 ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office III, I, IV at Cavite Police Office sa Block 1 Lot 89 Kensington Phase 17, Alden St., Lancaster, Brgy. Navarro, Gen. Trias na nagresulta sa pagkakaaresto nina Enemuo at Nwong at narekober sa kanila ang tinatayang 1,000 gramo (1 kilo) ng hinihinalang shabu na may street value na P6,800,000.

Halos sa katabi ring apartment, dakong alas-10:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust ng nasabi ring puwersa sa Block 26 Lot 17 Ken­sington Phase 22, Bacao 1, General Trias City na nagresulta naman sa pagkakaresto kay Ofoma at narekober ang tinatayang 500 gramo ng shabu na may street value na P3,400,000 at 5,000 gramo ng marijuana na may street value na P600,000.

PDEA SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with