^
3 senior na-trap sa sunog, patay!
Kinilala ang mga nasawi matapos ma-suffocate na sina Claudio Libre, 83-anyos, isang retiradong kawani ng Land Transportation Office; asawa nitong si Gloria Aurora, 80-anyos at mekanikong si Angelo Ocquilda, 60-anyos, residente ng Mundog sa nasabing lugar.
STAR/File

3 senior na-trap sa sunog, patay!

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong senior citizen kabilang ang isang mag-asawa ang nasawi matapos na ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Cordillera St. Central Park Subd. Bangkal, Brgy. Talomo Proper, Davao City ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi matapos ma-suffocate na sina Claudio Libre, 83-anyos, isang retiradong kawani ng Land Transportation Office; asawa nitong si Gloria Aurora, 80-anyos at mekanikong si Angelo Ocquilda, 60-anyos, residente ng Mundog sa nasabing lugar.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection XI, nagsimula ang sunog nang magliyab ang isang multicab na sasakyan habang kinukumpuni dahil sa hinihina­lang electrical short circuit hanggang sa kumalat ang apoy sa bahay ng mag-asawa at sa Rollee Tuna Grill.

Dahil sa katandaan, hindi rin agad nakalabas ng bahay ang mga matanda hanggang sa makulong sa nasusunog na bahay.

Nakita ang bangkay ng mga biktima sa loob ng palikuran ng kanilang bahay matapos na maapula ng mga bumbero ang apoy.

Tinatayang nasa P400,000 ang halaga ng pinsala sa sunog.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with