^

Misis ginapang ng bisita, 5-anyos anak nasaksak

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2021 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Dahil sa pagpalag ng isang 25-anyos na ginang sa tangkang panghahalay sa kanya ng kanilang bisita, nasa kritikal na kondisyon ang 5-an­yos na anak nito nang saluhin ng bata ang saksak na para sana sa ina mula sa suspek makaraan silang pasukin habang natutulog sa loob ng kanilang kuwarto kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Pulido Extension, Gen. Mariano Alvarez (GMA), dito.

Agad naaresto ang suspek na nahaharap sa mga kasong frustrated murder at  attempted rape na kinilalang si Jun Rey Bag­nol, 20, truck helper, ng Purok 6 Lodlod, Batangas City.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Margerie Pabiton, alas-2:30 ng madaling-araw habang nasa kasarapan ng tulog sina Jieval Peralta, 27, misis niyang si Gecelle, 25 at batang anak, pawang ng #6414 Pulido Extension, Brgy. Pulido, GMA dahil sa katatapos lang ng pagsalubong sa Bagong Taon nang sila ay pasukin ng suspek.

Nabatid na bisita ng pamilya ang suspek na kasamahan sa trabaho ng padre-de pamilya at kainuman nito sa pagsalubong sa Bagong Taon. Pero nang matapos sila sa pagdiriwang ay nagsitulog na sila at sa sala ng bahay ng pamilya Peralta natulog ang suspek hanggang sa palihim na bumangon at kumuha ng kutsilyo bago pumasok sa kuwarto ng mga biktima.

Ginapang nito ang ginang at tinutukan ng patalim upang gahasain pero agad na nanlaban ang una dahilan upang saksakin siya nito subalit sa batang biktima tumama ang saksak na noon ay katabi ng ina sa pagtulog.

Dito na nagising ang mister at hinabol ang suspek na agad ring nadakma sa tulong ng mga kaptibahay.

Agad na itinakbo sa pagamutan ang bata na hanggang ngayo’y nasa maselang kala­gayan.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with