^
Lolong biker sinalpok ng motor, dedo
Kinilala ang nasawi na si Celerio Mangila ng Sitio Ontong, Brgy. Quiniput, Zamboanga City habang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang naarestong rider na si John Mark Rebollos, 24, ng Brgy. Quiniput ng lungsod.
STAR/File

Lolong biker sinalpok ng motor, dedo

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng Bagong Taon ang isang 63-anyos na lolo makaraang mabangga ng isang rumaragasang­ motorsiklo habang nag­bibisikleta sa kahabaan ng Maria Clara L. Lobregat Highway, Brgy. Quiniput, Zamboanga City nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Celerio Mangila ng Sitio Ontong, Brgy. Quiniput, Zamboanga City habang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang naarestong rider na si John Mark Rebollos, 24, ng Brgy. Quiniput ng lungsod.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, alas-8:30 ng gabi habang nagbibisikleta ang biktima nang matumbok ng motorsiklong Honda RS 150 ni Rebollos.

Sa lakas ng pagka­kabangga, tumilapon­ ang matanda at idinek­larang patay sa Zamboanga Medical Center.

BIKE MOTORSIKLO PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with