^

Probinsiya

Biyuda na mataray, kinatay ng kapitbahay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Biyuda na mataray, kinatay ng kapitbahay
Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tinamong taga sa ulo, leeg at katawan ay nakilalang si Nida Sumali, biyuda,residente ng nasabing lugar.
STAR/ File

TUNGAWAN, Zamboanga Sibugay, Philippines — Mistulang kinatay na parang hayop ang isang 57-anyos na ginang ng isang binata na tinarayan nito at tinalakan nito at pinagbintangan na nagnakaw ng kanyang alagang manok, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tinamong taga sa ulo, leeg at katawan ay nakilalang si Nida Sumali, biyuda,residente ng nasabing lugar.

Arestado naman ng mga nagrespondeng elemento ng pulisya ang suspect na si Sonny Boy Baran, 27, residente rin ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya,na nangyari ang insidente sa nabanggit na lugar bandang alas-4:30 ng hapon.

Bago ito ay tinalakan at tinarayan umano ng ginang ang binata na pinararatangan nitong nagnakaw ng kaniyang alagang manok na labis na  ikinagalit ng suspect.

Kumuha ang suspek ng itak at saka pinasok ang bahay ng ginang at pinagtataga ito hanggang sa duguang bumulagta na agad nasawi.

Tinangka pang tumakas ng suspect pero nasukol ito ng tumugis na mga nag­respondeng operatiba ng pulisya na agad itong dinakip at kinasuhan ng homicide.

vuukle comment

SONNY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with