^

Dalawang lola, arestado sa P.294 million shabu

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2020 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija , Philippines —  Dalawang matandang babae ang ­inaresto ng pulisya makaraang makuhanan ng P.294 milyon na halaga ng shabu sa isang  drug buy-bust operation sa Block 14 ng Barangay Campo Tinio ng lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Teresita Aguba, 65, biyuda, isang negosyante; at si Jamin Victory, 63, dalaga, kapwa residente ng Block 14, Barangay Campo Tinio.

Aabot sa 18-piraso ng plastic sachet ng umano’y shabu ang nakuha sa dalawang suspek na may timbang na 43.26 grams at aabot sa halagang P294,000 ang halaga.

Nabatid na bandang alas-10:30 ng gabi noong Lunes, nakabili ng isang plastic sachet ng umano’y shabu ang isang poseur-buyer kay Aguba kasama ang kasabwat nitong si Victory.

Sa puntong iyon ay ­inaaresto ang dalawa at  nakuha ang 15-pirasong plastic sachet ng umano’y shabu kay Aguba habang may 2 pa na nakuha naman kay Victory.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa sa sections 5 and 11, article II ng RA9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).

VICTORY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with