^

35 rebeldeng MNLF nasakote sa Rizal

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 28, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 35 na hinihina­lang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang dinakip dahil sa umano’y pagpapaputok ng baril noong Pasko at paglabag sa health protocols particular ang mass gathering habang may pandemya sa San Mateo, Rizal, kamakalawa.

Sa ulat ng San Mateo Police, kabilang sa mga inaresto ay 9 na babae at 26 na lalaki, na pinamumunuan nina Lydia Panuelo, Edwin Malubay, umano’y isang retired Master Sergeant ng Phi­lippine Air Force (PAF) at Jose Joamirmel Laroya.

Dakong alas-7:30 ng umaga nang madakip ang mga suspek sa Brgy. Guinayang, San Mateo.

Nauna rito, alas-9:00 ng gabi ng araw ng Pasko ay nagtungo sa istasyon ng San Mateo Police ang mga opisyal ng Brgy. Guinayang at inireport ang presensya ng mga tauhan ng MNLF sa kanilang lugar na umano’y nagpaputok pa ng kanilang mga dalang armas, dakong alas-7:00 ng gabi.

Kinabukasan ng ala-7:30 ng umaga, sinalakay ang nasabing lugar ng Rizal Police Provincial Office (RPPO) na pinamumunuan ni Provincial Director, P/Col Joseph Arguelles; RPMFC na pinamumunuan ni P/Lt. Col Rex Gaoiran, San Mateo Police na pinamumunuan ni P/Lt. Col Jaycon Ramos, kasama ang mga sundalo ng 80th Infantry Batallion ng Philippine Army.

Nakumpiska sa raid ang isang unit ng high cap Armscor na cali­ber .45 pistola, na may dalawang magazine at loaded ng 18 na bala, sa pag-iingat ni Malubay habang isang shooters caliber .45 pistol, na may apat na magazines na loaded ng 22 na bala ang nasamsam kay Laroya. Nakuha rin ang iba pang mga baril at bala, limang handheld radio, isang jungle knife at iba’t ibang military uniforms.

MNLF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with