^
Jaen Mayor Austria bumaba na sa puwesto
Detail of a satellite map of Jaen in Nueva Ecija.
Google Maps

Jaen Mayor Austria bumaba na sa puwesto

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - December 23, 2020 - 12:00am

Bangayan sa ‘recount’ tinuldukan ng DILG

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Bumaba na sa puwesto si Jaen, Nueva Ecija Mayor Sylvia Austria noong Lunes ng gabi, isang araw matapos ang naganap na pagsabog malapit sa muni­sipyo sa gitna ng girian nila sa puwesto ng katunggaling si Antonio Prospero Esquivel.

“Bilang pagtalima­ sa kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng hukuman, ako ay pansamantalang ba­baba sa puwesto­ bilang punong bayan,” mensahe ni Austria sa kanyang post sa Facebook.

Ito umano ay para mapanatili ang katahimikan sa bayan na halos isang linggo nang may tensyon sa pagitan ng mga supporters ng dalawang nagbabanga­yang kampo.

Nabatid na duma­ting ang mga opisyal ng DILG-Central Luzon at Nueva Ecija sa bayan ng Jaen noong Lunes ng hapon upang opisyal na iluklok si Esquivel matapos manalo sa “recount” at sinasabing nag-opisina sa Municipal Treasurer’s Office sa unang palapag ng munisipyo noon pang Huwebes ng gabi makaraang paboran ng Gapan RTC Branch 87 ang kanyang election protest laban kay Austria.

Sa kabila nito, sinabi ni Austria na gagawin niya ang lahat ng hakbang upang ang tunay na hustisya at boses ng Jaen ang mangibabaw. Nagpasalamat din siya sa mga dasal, pagtangkilik at suporta ng kanyang mga kababayan.

Nauna rito, Linggo ng hapon nang sumiklab ang isang pagsabog na nagpapala sa tensyon sa Jaen at kinaila­ngang magpadala ang pulisya ng dagdag na puwersa na magbabantay at mag­papanatili ng kapayapaan sa nasabing bayan.

MAYOR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with