^
Abogado patay nang mabaril sa Cebu, ika-54 biktima sa ilalim ng Duterte admin
Satellite image ng Danao City, Cebu mula sa kalawakan
Google Maps

Abogado patay nang mabaril sa Cebu, ika-54 biktima sa ilalim ng Duterte admin

(Philstar.com) - December 17, 2020 - 5:58pm

MANILA, Philippines (Updated 6:25 p.m.) — Binawian ng buhay ang isang abogado sa probinsya ng Cebu ngayong araw matapos pagtatambangan sa loob ng kanyang sasakyan — wala pang isang buwan matapos ang huling pagpaslang sa isa pang manananggol sa parehong lalawigan.

Pasado 3 p.m. ngayong Huwebes nang pagbabarilin si Atty. Baby Maria Concepcion Landero-Ole habang nasa loob ng kanyang pick-up truck sa Camaligbato, Barangay Looc, Danao City, ayon sa ulat ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP).

Ang naturang krimen ay kinumpirma na ng Danao, Cebu Police — bagay na ginawa ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Si Landero-Ole ay sinabing ika-54 na sa serye ng mga pagpaslang na ginawa sa mga abogado sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nangyari ang insidente ilang linggo pa lang ang nakalilipas nang patayin si Atty. Joey Luis Wee noong ika-23 ng Nobyembre, na binaril din ng dalawang kalalakihan habang paakyat sa kanyang tanggapan sa Lungsod ng Cebu.

"CEGP condemns in the strongest possible terms this another killing under the fascist and butcherer Duterte regime," ayon sa isang statement na inilabas ng grupo ngayong hapon.

"We call on our gov't officials to thoroughly investigate this killing as we demand justice and an end to all the atrocities of this regime. Impunity has to stop!"

Mariin ding kinundena ng League of Filipino Students (LFS)-Cavite ang sunud-sunod na pagpaslang na ito, lalo na't nangyayari raw ito hindi lang sa mga abogado ngunit pati sa mga doktor, aktibista at mamamayang lumalaban.

Basahin: Negros doctor said to be on vigilante hit list killed alongside husband

"Patunay lamang ito na walang pinipili ang malupit na estadong ito para tayo'y patahimikin!" ayon sa LFS-Cavite.

Lumutang ang balitang ito ilang araw pa lang ang nakalilipas matapos sabihin ng International Criminal Court na nakitaan nila ng "reasonable basis" na paniwalaang nangyayari ang "crimes against humanity" sa ilalim ni Digong kadikit na rin ng mga extrajudicial killings na isinasagawa sa gitna ng gera kontra-droga ng pamahalaan.

IBP: Serye ng pagpatay nakakaalarma

Ikinabahala din ng Integrated Bar of the Philippines (IBP)-Cebu City ang naturang pamamaslang, lalo na't halos nagiging sistematiko na raw ito at parami nang parami.

"The alarming rate of lawyers being treacherously attacked is something that we cannot take just with a grain of salt," ayon sa grupo ng mga abogado.

"We condemn the atrocities being cast against fellow lawyers and we must not allow this system of violence to persist in our midst. We have been nothing but cooperative with all investigations done by authorities. And we will continue to take this high route."

Dagdag pa ng IBP, hindi maaaring magpatumpik-tumpik sila habang pinagpapapatay ang kanilang mga miyembro sa gitna ng araw.

Aniya, panahon na para ituro sa mga manananggol kung paano ipagtanggol mismo ang kanilang sarili, bagay na ikikintal daw nila bilang reporma sa loob mismo ng kanilang hanay.

"We pray for the family especially the children orphaned, of Atty. Landero-Ole, may they have the resilience to overcome this tragedy, strength to move on, and courage to seek justice," dagdag pa nila.

"We pray for every brother and sister lawyer. We pray for everyone's safety in and out of our legal duties. May the wheels of justice be swift and sure." 

— James Relativo at may mga ulat mula kay The Freeman/Iris Mascardo

CEBU DANAO CITY EXTRAJUDICIAL KILLINGS LAWYER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with