^
Magsasaka inutas ng pinsan sa daan
Namatay noon din dahil sa malalalim na taga sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Pepito Sapinoso Astillero, binata at residente ng nasabing lugar.Arestado naman ang suspek na si Domingo Salcedo Sapinoso,40
STAR/ File

Magsasaka inutas ng pinsan sa daan

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2020 - 12:00am

TINAMBAC, Camarines Sur, Philippines —  Karumaldumal na kamatayan ang sinapit ng isang 41-anyos na magsasaka matapos na pagtatagain ng sariling pinsan makaraang magtalo habang magkasabay na naglalakad pauwi sa kani-kanilang bahay sa Zone-4,Brgy.Bolao Balite ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din dahil sa malalalim na taga sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Pepito Sapinoso Astillero, binata at residente ng nasabing lugar.Arestado naman ang suspek na si Domingo Salcedo Sapinoso,40.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi nagkasabay sa paglakad pauwi ang biktima at suspek ay naungkat ang matagal na nilang alitan dahilan para magkaroon nang mainit na pagtatalo hanggang bumunot ng sukbit na itak ang suspek at pinagtataga ang pinsan na duguang bumulagta sa kalsada.

Agad namang nahuli ang suspek makaraang ituro sa mga rumespondeng pulis ng mga nakasaksi sa pamamaslang.

DOMINGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with