^
Barangay justice ng Batangas itinumba sa Quezon
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Robert Tobeo, 57, may asawa at residente ng Sitio Buslot,Barangay San Isidro, Rosario Batangas.
PSN/File

Barangay justice ng Batangas itinumba sa Quezon

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2020 - 12:00am

TIAONG, Quezon, Philippines — Patay na at may dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang isang barangay justice na nagmula pa sa lalawigan ng Batangas nang matagpuan sa isang damuhan sa Sitio Tabing ilog, Brgy. Del Rosario ng bayang Ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Robert Tobeo, 57, may asawa at residente ng Sitio Buslot,Barangay San Isidro, Rosario Batangas.

Batay sa imbestigasyon, alas-7:45 ng umaga ay naglalakad ang isang residente nang mapansin nito sa damuhan ang isang nakadapa at duguang lalaki.

Natuklasan ng pulisya na taga-Batangas ang biktima at miyembro ng Barangay Justice batay sa nakuha sa kanyang identification (ID) na pinaniniwalaang pinatay saka itinapon sa nasabing lugar.

Nakuha ng SOCO sa tabi ng bangkay ng biktima ang ilang basyo ng kalibre 45.

BARANGAY PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with