50 BIFF umatake, nanunog ng police car sa Maguindanao
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division spokesman Lt. Col. Anhouvic Atilano, ang mga rebelde ay pinamumunuan nina Kumander Karialan Saga Animbang at Kumander Motorola sa ilalim ng grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abo Toraife ng BIFF-ISIS.

50 BIFF umatake, nanunog ng police car sa Maguindanao

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 50 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF-ISIS inspired terrorist ang umatake at nanunog ng patrol car ng Datu Piang Municipal Police Station sa Brgy. Poblacion, Datu Piang, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division spokesman Lt. Col. Anhouvic Atilano, ang mga rebelde ay pinamumunuan nina Kumander Karialan Saga Animbang at Kumander Motorola sa ilalim ng grupo ni Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abo Toraife ng BIFF-ISIS.

Sa ulat, dakong alas-10:30 nang walang habas na nagpaputok gamit ang mga matataas na uri ng armas ang mga terorista at may dala-dalang mga watawat ng Islamic State of Iraq and Syria­ (ISIS) sa nasabing lugar kaya’t nakipag-engkuwentro na ang mga pulis na tumagal ng mahigit isang oras.

Sinabi naman ni 6th-ID chief at Joint Task Force Central commander Maj. Gen. Juvymax Uy na agad nakapagresponde ang mga sundalo na tumulong sa mga pulis. Napilitang umatras ang mga terorista nang gumamit na ng mga Semba armored carrier ang tropa ng pamahalaan at dumating pa ang karagdagang puwersa. Walang nasugatan sa panig ng mga pulis at sundalo habang hindi pa matiyak sa panig ng BIFF.

Samantala, ayon kay Army Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana na paghihiganti ang nakikita nilang motibo sa pag-atake at panununog ng BIFF sa PNP patrol car sa Datu Piang.

Aniya, “on top of the situa­tion” ang pamunuan ng 6th Infantry Division sa lugar kasabay ng pinalakas na hot pursuit operations ng PNP at AFP laban sa grupo ni Kumander Motorola ng BIFF na siyang tinukoy na nasa likod ng panununog ng patrol car. Aniya, nais ipaghiganti ng grupo ni Motorola ang ilan nilang kasamahan na inaresto ng mga pulis dahil sa illegal drug trade. - Rhoderick Beñez

BIFF
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with