^

Probinsiya

2 motor nagsalpukan: 2 patay, 1 kritikal

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Dalawa katao ang patay habang isa ang malubhang nasugatan matapos ang salpukan ng dalawang motorsiklo habang magkasalungat na bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. Maguyam, bayan ng Silang, dito, kama­­kalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Marlito Jala Luta, 29 anyos, at Jester Llandera, 25, habang nasa kritikal na kon­disyon ang backrider na si Gilbert Pausal Otida, 27.

Sa ulat ni P/Staff Master Sgt. Glenn Soriano, alas-9:40 ng gabi habang magkaangkas sa kulay itim na Mio motorcycle sina Luta at Otida nang makasalpukan nila ang kasalubong na kulay pulang Ducati motorcycle na mina­maneho ni Llandera na taga-Purok 1, Brgy Timbau, Biñan City, Laguna.

Nawalan umano ng kontrol ang motorsiklo ni Llandera kung kaya sumemplang ito at sumadsad sa kalsada hanggang sa sumalpok sa motor ng magkaangkas na biktima. Tumilapon ang mga  biktima at nagpagulung-gulong pa sa kalsada sanhi ng pagkasawi ng dalawa.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with