‘Pinoy online market’ itinutulak ni Rep. Lucy

(Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na kinakaharap na pandemya ng bansa, isinusulong ni Ormoc City Rep. Lucy Torres-Gomez ng panukalang batas na nag-aatas sa Department of Trade and Industry (DTI) na gumawa ng “online market platform” para sa mga Pinoy sa hanay ng creative arts at para masuportahan ang mga nasa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs). 

Sa ilalim ng punakalang House Bill No. 8064 o Online Pinoy Creative Act, layunin nitong magkaroon ng “online market” para sa mga Pinoy sa hanay ng creative arts, crafters, artists, musicians, filmmakers at maging ang mga wellness providers o kung saan nabibilang ang mga Pinoy na nais magbenta ng kanilang product o serbisyo sa pamamagitan ng online selling. 

“Nararapat po na magkaroon sila ng tamang tanggap na lugar na pagbebentahan online ng kanilang inaalok na tinda o serbisyo para makatulong ng malaki lalo na sa panahon ng pandemya. Ang DTI ay kailangan gumawa ng online market platform at ganun din ang pagpondo dito upang maging ma­laking tulong sa mga pamilyang Pilipino,” pahayag ni Gomez.

“This is of the essence. This digital plantform could be easily procured and customized by the DTI in a short amount of time. Marami tayong kababayan na umaasa sa pagbebenta ng kanilang product online para lang maka-survive sa pandemya na kinahaharap ng ating bansa,” dagdag ng mambabatas. 

Hinikayat din ng kongresista ang mga Pinoy sa bansa at abroad na bumili ng produktong Pinoy sa mga kapwa Pinoy sa bansa. Hiling din nito sa DTI ang pagbibigay ng libreng online assistance at serbisyo para sa mga onsellers.

LUCY TORRES-GOMEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with