Bulkang Taal muling nag-alboroto
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, nagluwa ng abo ang bunganga ng bulkan at naglalabas din ito ng gas sa may Daang Kastila Trail pero ito ay mahina lamang.
Philstar.com/Irish Lising

Bulkang Taal muling nag-alboroto

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling nag-alboroto ang Bulkang Taal sa Batangas sa nakalipas na 24-oras makaraang makapagtala ng limang magkakasunod na volcanic earthquakes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagluwa ng abo ang bunganga ng bulkan at naglalabas din ito ng gas sa may Daang Kastila Trail pero ito ay mahina lamang.

Namonitor din ng Phivolcs na may “slight inflation” sa northwestern sector ng Taal Caldera.

Sa kabila nito, sinabi ng Phivolcs na nananatili sa alert level 1 ang Taal volcano.

Dahil sa abnormal na kondisyon ng bulkan, pinapayuhan ng Phivolcs ang publiko na iwasan ang pagpasok sa Taal Volcano island dahil sa banta­ ng posibleng pagsabog, volcanic­ earth­quakes, minor ashfall, lethal expulsions ng volcanic gas dito.

Pinapayuhan din ng Phivolcs ang local government units (LGUs) na nakakasakop sa mga barangay na nasa palibot ng bulkan na palagiang mag-monitor, maghanda at palikasin ang mga tao roon kung magpapakita ng mas matinding abnormalidad ang bulkan.

Noong nagdaang Enero ang na­italang huling pagsabog ng nasabing bulkan.

BULKANG TAAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with