âTulakâ bulagta sa buy-bust
Kinilala ang napas­lang na suspek na si Ramil Sandoval, 38-anyos at residente ng B11 L2, Brgy. San Jose, GMA, Cavite.
STAR/File

‘Tulak’ bulagta sa buy-bust

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Isa na namang hinihinalang tulak ng droga ang patay matapos pumalag sa isi­nasagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Jose, Gen. Ma­riano Alvarez, dito sa lalawigan.

Kinilala ang napas­lang na suspek na si Ramil Sandoval, 38-anyos at residente ng B11 L2, Brgy. San Jose, GMA, Cavite.

Sa ulat, alas-9:30 ng gabi nang ikasa ng pinagsanib na puwersa ng Station Drug Enforce­ment Unit, GMA Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang buy-bust laban sa suspek. Habang isinasagawa ang transaksyon, naramdaman ng suspek ang palihim na hudyat ng kanyang ka-deal kung kaya’t nagtatakbo siya papasok ng kanyang bahay hanggang sa dito na nakipagpalitan ng putok sa mga operatiba at minalas siyang masapol ng bala.

Narekober sa tumimbuwang na suspek ang isang maiksing baril, mga shabu at drug paraphernalia.

BUY BUST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with