Waiter tigok sa trak
Basag ang bungo at nagkasugat-sugat ang katawan ng biktimang si John Mark Juego, 20, binata ng Candelaria, Quezon sanhi ng kanyang dagliang kamatayan.
STAR/File

Waiter tigok sa trak

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

TIAONG, Quezon, Philippines — Patay agad ang isang waiter­ na backrider ng motorsiklo habang malubhang­ nasu­gatan ang kaibigan nitong rider makaraan silang salpukin ng kasalubong na truck sa Maharlika High­way, Brgy. Talisay ng bayang ito, kamakalawa ng madaling araw.

Basag ang bungo at nagkasugat-sugat ang katawan ng biktimang si John Mark Juego, 20, binata ng Candelaria, Quezon sanhi ng kanyang dagliang kamatayan.

Ginagamot naman sa Candelaria Hospital dahil­ sa mga tinamong sugat sa iba’t ibang parte ng kata­wan si Francis John Alipante, 26, binata ng Sa­riaya, Quezon.

Ayon sa ulat, ala-1:50 ng madaling araw habang­ patungo sa Sariaya, ang mga biktima lulan ng isang Honda beat motorcycle nang pagsapit sa kurbadang bahagi ng daan ay sinalpok sila ng kasa­lubong na trak na minamaneho ni Jan Michael Bucay, 31, ng Naga City. Nagkayupi-yupi ang motorsiklo sa lakas ng banggaan. Nakapiit na sa muni­cipal jail ang truck driver na sinampahan na ng kaukulang mga kaso.

PATAY WAITER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with