19 sasakyan, bahay inararo ng trak: 7 patay, 5 kritikal

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pito katao ang patay kabilang ang isang barangay kagawad ha­bang lima ang nasa kritikal na kondisyon ma­tapos na araruhin ng isang trailer truck na may kargang bulldozer ang 19 na sasak­yan at ilang bahay sa Jasaan, Misamis Orien­­tal kahapon ng mada­ling araw.

Dalawa ang dead-on-the-spot sa lugar na nakilalang sina Brgy. Aplaya Kagawad Wilfredo Capillador Jr., at Lemuel Edorot habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng lima pang namatay at limang malubhang nasugatan.

Kabilang sa mga nasugatan ay magkakaanak na nang­galing pa umano sa isang vigil sa nasabing lugar.

Ayon kay Jasaan Po­lice Station commander, P/Major Evary Bacunawa, dakong alas-12 ng madaling araw habang bu­mabagtas ang trailer truck na may kargang bulldozer sa Zone 2, Aplaya, Jasaan, Misamis Oriental nang ma­walan ng kontrol ang driver nito na si Vincent Abuloc makaraang maputol umano ang “chasis” ng nasabing sasak­yan.

Bunsod nito, inararo­ ng truck ang mga naka­paradang mga sasak­yan na kinabibilangan ng 13 na motorsiklo, lima pang kasalubong na priba­dong sasakyan at nayupi rin ang isang multicab na pag-aari ng barangay habang nada­may ang ilan pang bahay sa lugar.

Dahil sa matinding­ sakuna sa daan, pi­nagbuntungan ng galit ang pahinante ng truck ng pamilya ng mga biktima matapos na pagtulungang bugbugin kaya isinugod rin sa ospital.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with