Bangkay na pinaglalamayan may COVID-19, 18 na-quarantine
Ayon kay Dr. Marivic Cortez, rural health officer ng Cabagan; ang nasawi ay isang 58- anyos na karpintero na dinala sa isang pribadong ospital dito noong Nobyembre 27 matapos makaramdam ng sintomas ng hirap sa paghinga at pagtatae.
STAR/File

Bangkay na pinaglalamayan may COVID-19, 18 na-quarantine

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Labing walong magkakapamilya ang isinailalim ng awtoridad sa 14-araw na quarantine sa local health facility matapos magpositibo sa COVID-19 ang bangkay ng kaanak na kanilang pinaglalamayan sa Cabagan, Isabela kamakalawa.

Ayon kay Dr. Marivic Cortez, rural health officer ng Cabagan; ang nasawi ay isang 58- anyos na karpintero na dinala sa isang pribadong ospital dito noong Nobyembre 27 matapos makaramdam ng sintomas ng hirap sa paghinga at pagtatae. Aniya, ang karpintero ay napag-alamang may kumplikas­yon ng leptospirosis at sumailalim sa swab test nang sumunod na araw at namatay noon din.

Lumalabas na nagkasakit ang karpintero nang lumusong ito sa baha noong kasagsagan ng bagyong Ulysses.

Nabatid na inilabas ang bangkay ng karpintero sa ospital kinahapunan ng Nob. 28 upang mabigyan ng disenteng burol sa bahay nito sa Cabagan na pinaglamayan ng kanyang pamilya at mga kaanak.

Gayunman, lumabas na positibo ang resulta ng swab test ng bangkay nang sumunod na araw ng Linggo habang pinaglalamayan kaya’t agad itong ipinalibing ng mga awtoridad.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with