Relief goods ni Sen. Kiko na sakay ng bangka, lumubog
Sa ulat, dakong alas-7 ng gabi nang maglayag ang M/B Puti na kargado ng 945 food packs at 30 sako ng bigas na ipinadala ni Sen. Kiko Pangilinan para sana ipamahagi sa mga residenteng sinalanta ng mga nagdaang malalakas na bagyo sa mga barangay sa naturang isla.
Geremy Pintolo

Relief goods ni Sen. Kiko na sakay ng bangka, lumubog

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

TABACO CITY, Albay , Philippines — Dalawa katao ang masuwerteng nakaligtas habang kaunting food packs na lamang ang nakuha mula sa papalubog na bangkang de-motor na kargado ng mga relief goods mula kay Senador Francis Pa­ngilinan matapos salpukin ng malalakas na alon at bumangga sa matigas na bagay habang patawid ng isla sa karagatang sakop ng Tabaco City Bay sa Brgy. Rawis, San Miguel Island ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Nakaligtas bago lumubog ang sinasakyang M/B Puti ang makinistang si Romeo Bien Barra at kapatid na si Sammy, kapwa may asawa at residente ng Brgy. Sagurong ng Isla San Miguel.

Sa ulat, dakong alas-7 ng gabi nang maglayag ang M/B Puti na kargado ng 945 food packs at 30 sako ng bigas na ipinadala ni Sen. Pangilinan para sana ipamahagi sa mga residenteng sinalanta ng mga nagdaang malalakas na bagyo sa mga barangay sa naturang isla. Gayunman, habang nasa gitna ng karagatan ay sinalubong ang bangka ng malalaking alon at dahil madilim din ang dagat kaya hindi masyadong nakikita ng makinistang si Romeo ang kanilang dinaraanan hanggang sa biglang bumangga sila sa isang matigas na bagay na ikinabutas ng unahang bahagi ng nasabing saksakyang pandagat.

Sa kabila nito, mabilis na nakatawag ng saklolo ang magkapatid na Barra sa isang konsehal ng barangay na nagngangalang Tango kaya nagkumahog ang mga opisyal at residente sa pagresponde sa papalubog na bangka. Naabutan pa nila ang magkapatid kaya nasagip at ilang food packs na lang ang naisalba bago tuluyang lamunin ng dagat ang bangka.

SAN MIGUEL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with