No.3 most wanted sa Region 4, timbog

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2020 - 12:00am

TALAVERA, Nueva Ecija MANILA, Philippines — Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Talavera at Malvar, Batangas Police ang 3rd most wanted person sa Calabarzon area o Police Regional Office-4A na nahaharap sa kasong panggagahasa noong Lunes ng gabi sa Brgy. Collado ng bayang ito.

Ang suspek ay kinilala ni P/Major Roderick Corpuz, acting police chief ng Talavera Police na si Jay-Ar Tasico, 31, binata ng Brgy. San Fernando, Malvar, Batangas.

Si Tasico na nahaharap sa apat na kaso ng rape ng dalawang menor-de-edad ay inaresto dakong alas-7 ng gabi sa pinagtataguan nito sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Charito Macalintal-Sawali ng Batangas Regional Trial Court.

Sa rekord, dati nang naaresto ang suspek dahil sa kasong droga noong 2018 subalit nakalaya sa bisa ng plea bargaining agreement na nasa ilalim ng probation status. Nahaharap din siya sa kasong robbery noong Enero bago pa ang asuntong rape na isinampa noong Oktubre.

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with