Trader utas,1 grabe sa pamamaril sa palengke
Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Esmail Raja Alam Asnor, 23, may asawa, may negosyong “buy and sell” at residente ng Kidapawan City.
File

Trader utas,1 grabe sa pamamaril sa palengke

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang negosyante ang patay nang tamaan ng ligaw na bala matapos ang naganap na pamamaril sa isang lalaki sa loob ng public market sa North Cotabato, iniulat kahapon.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Esmail Raja Alam Asnor, 23, may asawa, may negosyong “buy and sell” at residente ng Kidapawan City.

Ginagamot naman sa Cruzado Medical Hospital matapos na masugatan ang target ng mga ‘di kialalang suspek sa pamamaril na si Nasrudin Usman Guiamadin, 27, may asawa, magsasaka ng Barangay Bualan, Pikit ng nasabing lalawigan.

Ayon kay Pikit Police chief, Captain Mautin Pangandigan, habang bumibili ng underwear si Guiamadin kasama ang kanyang asawa sa loob ng public market sa Pikit nang bigla siyang pinagbabaril ng hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistol sanhi ng mga tinamo nitong mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 Sa kamalasan, nasapol ng ligaw na bala sa dibdib si Asnor na nakaupo lamang sa harap ng tindahan sanhi ng kanyang agarang kamatayan habang mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo ng naghihintay nitong kasama sa labas ng palengke. - Rhoderick Beñez

BARIL
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with