3 liblib na barangay sa Tinglayan, Kalinga isinailalim sa lockdown

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Matapos ang pabugsong pagtaas ng kaso ng COVID-19, tatlong magkakatabing barangay sa liblib na munisipalidad ng Tinglayan, Kalinga ang isinailalim sa lockdown hanggang Disyembre 7.

Sinabi ni Mayor Sacrament Gumilab na nag-umpisa noong Nobyembre 27 ang lockdown sa mga barangay ng Upper Bangad, Lower Bangad at Centro Bangad na nakapagtala ng 37 na positibong kaso ng coronavirus mula Nobyembre 22.

Nilalayon umano ng lockdown na mapigilan ang paggalaw ng tao sa bayan at masawata ang pagdami ng COVID-19.  Aniya, nagsimula ang hawaan sa kanyang teritoryo nang makisalamuha sa mga tao ang dalawang umuwing residente mula sa Mankayan, Benguet noong Nobyembre 19 na kalaunan ay nagpositibo sa COVID-19.

Ang dalawang carrier ay nanggaling sa Lepanto Mines sa Mankayan na isang hotspot dahil sa mga minerong tinamaan doon ng COVID-19.

Sa ngayon, ang Tinglayan ay mayroong 58 na kumpirmadong kaso ng COVID-19, 50 dito ang aktibo.

COVID-19 LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with