Briton tinodas ng tandem sa kanyang bahay

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2020 - 12:00am

PALAYAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang 51-anyos na British engineer makaraang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang lalaki habang umiinom ng alak kasama ang isang dalaga sa kanyang bahay sa Purok 1, Barangay Militar, dito, kamakalawa ng gabi.

 Kinilala ang biktima na si Paul Salmon, may-asawa, na nadatnan nang patay ng mga awtoridad sa loob ng kanyang bahay dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

 Dakong alas-9:30 ng gabi habang umiinom ng alak ang biktima kasama ang kaibigang si Jennifer Mapili, 31, ng Brgy. Sinipit, Bongabon, Nueva Ecija, nang may kumatok sa pintuan ng bahay.

Inakala ng biktima na mga kaibigan niya ang dumating kaya agad na pinagbuksan. Pero laking-gulat ng biktima na dalawang armadong lalaki ang nasa tarangkahan at bigla na lamang siyang pinagbabaril.

Nagawa pang makatakbo ang dayuhan sa playroom ng bahay nito para magtago pero doon na nalagutan ng hininga habang mabilis na tumakas ang mga suspek 

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen at kung sino ang nasa likod ng pagpaslang sa dayuhan.

RIDING IN TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with