^

Probinsiya

Anak ni Bayan Muna Rep. Cullamat, dedo sa engkuwentro

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Anak ni Bayan Muna Rep. Cullamat, dedo sa engkuwentro
Ang anak ni Ba­yan Muna Rep. Eufemia Cullamat na si Jevilyn alyas “Ka Reb” na sumapi sa NPA makaraang mapatay ng militar sa isang engkuwentro sa Surigao del Sur kahapon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang 22-anyos na babaeng anak ni Bayan Muna ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat na sinasabing kasapi ng New People’s Army (NPA) matapos ang isang engkuwentro umano sa pagitan ng mga sundalo at rebeldeng grupo sa Surigao del Sur.

Sa report ng 3rd Special Forces Battalion, kinilala ang nasawi na si Jevilyn Campos Cullamat alyas “Ka Reb” na miyembro umano ng Sandatahan Yunit

Pampropaganda (SYP) ng Guerrilla Front (GF) 19. Bahagi raw ang grupo ng Northeastern Regional Committee (NEMRC) ng NPA.

Narekober ng mga sundalo ang ilang armas, bala at dokumento sa pinangyarihan ng bakbakan sa bahagi ng San Isidro, Marihatag.

Sa isang statement, sinabi ni Rep. Cullamat na hindi malabong ga­mitin muli ng militar ang pagkakapatay sa kanyang anak para dikdikin ng maling akusasyon ang Makabayan bloc.

“Walang kapantay ang aking dalamhati sa pagpatay ng militar sa aking anak na si Jevilyn. Dumagdag ang dugo ng aking anak sa libong kalumaran na nagpatak ng dugo sa lupa para sa kalayaan at laban sa historikang pang-aapi ng aming hanay.”

Aminado ang kongresista na batid niya ang pagsali ng anak sa NPA dahil sa dinanas nilang abuso sa kamay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

“Naniniwala ako na makatwiran ang kaniyang ipinaglalaban pero ibang porma ang kanyang pinili para mapigilan ang pambubusabos sa aming mga Lumad at katutubo at para magkaroon din ng makatarungang lipunan,” dagdag ng kongresista.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with