^

Probinsiya

No. 1 most wanted utas sa shootout

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
No. 1 most wanted utas sa shootout
Sa ulat, patay na nang datnan ng mga rumespondeng emergency response team ng bayan dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang target sa operasyon na si Rodel Millena Llorera, 42, may asawa at itinuturing na regional most wanted ng PRO-4A dahil sa mga kasong murder, direct assault with murder at direct assault with attempted murder.
STAR/File

DARAGA, Albay, Philippines — Bulagta ang tinaguriang number one most wanted person ng Police Regional Offfice (PRO)-4A o Calabarzon at Mimaropa area matapos umanong manlaban sa isinagawang joint operation ng pulisya at militar habang dalawang kasamahan nito ang nadakip sa Purok-4, Sitio Banacian, Brgy. San Ramon ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, patay na nang datnan ng mga rumespondeng emergency response team ng bayan dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang target sa operasyon na si Rodel Millena Llorera, 42, may asawa at itinuturing na regional most wanted ng PRO-4A dahil sa mga kasong murder, direct assault with murder at direct assault with attempted murder.

Arestado naman ang mga kasamahan ni Llorera na sina Felimon Belludo Madridano, 33, at Honeybee Ebrada Boneo, 33.

Sa ulat, dakong alas-9 ng gabi, bitbit ang warrant of arrest ng pinagsanib na puwersa ng Daraga Police, Criminal Investigation and Detection Gruop, Regional Mobile Force Batallion, 31st Infantry Batallion, Philippine Army, Regional Intelligence Unit ng PRO-4A, Tanay Police at Rizal Intelligence Unit, na inilabas ni Judge Ma. Josefina San Juan-Torres ng RTC Branch 70, Morong, Rizal laban kay Llorera, kanilang sinalakay ang bahay na pinagtataguan ng huli.

Gayunman, sa halip na sumuko ay bumunot umano ng kalibre 45 baril at granada ang suspek dahilan para paputukan na siya ng mga operatiba na kanyang ikinasawi habang dinakip si Madridano na naabutan sa lugar matapos makuhanan ng kalibre 38 baril at si Boneo dahil sa “harboring a criminal”.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with