^

Beybi, 3 pang kapamilya na dinukot, nasagip

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2020 - 12:00am

1 sa 5 suspek timbog

CAVITE, Philippines — Matagumpay na nasagip ng mga awtoridad ang apat na miyembro ng isang pamilya kabilang ang 1-taong gulang na baby na dinukot ng limang lalaki sa Cavite at isa sa mga suspek ang naaresto sa ikinasang rescue operations sa isang condominium na nagsisilbing hideout sa Pasig City kamakalawa.

Sa ulat sa tanggapan ni Cavite Provincial Police director Col. Marlon Santos, alas-8:30 ng gabi nang maaresto ang isa sa mga suspek na si Jonald Amador, 36-anyos, dating overseas Filipino worker at residente ng Pasig City.

Ayon sa pulisya, Nobyembre 24 nang pasukin at dukutin ng limang suspek ang mga biktimang sina Dina Abilar, 23-anyos, anak niyang 1-anyos, ina na si Elena Abilar, 57-anyos at kapatid na si  Dorina Abilar, 25, sa mismo nilang bahay sa Brgy. San Agustin, Trece Martires City, Cavite dakong alas-3 ng hapon.

Ayon sa isang saksi, isang puting Mitsubishi L300 van ang tumigil sa tapat ng bahay ng mga biktima at pumasok ang apat na armadong kalalakihan sa bahay ng mga biktima habang ang isa ay naiwan sa driver seat ng sasakyan. Puwersahang kinuha umano ng mga suspek ang mga biktima at isinakay sa nasabing van bago mabilis na umalis.

Agad inireport ang insidente sa Trece Martires City Police na agad nag-imbestiga at nagkasa ng rescue operations. Alas 8:30 ng gabi nang matunton ang pinagtataguan ng mga suspek sa isang condominium sa Pasig City. Agad silang nakipag-coordinate sa Sta. Lucia Sub-Station ng Pasig City Police at isinagawa ang pagsalakay at naabutan ang naturang suspek kasama ang mga biktima sa isang condominium unit.

Tinutugis pa ng mga awtoridad ang iba pang suspek na sina Dennis Oligario, isang alyas “Dong” at dalawang iba pa.

Nakumpiska sa suspek ang isang cal. 9mm Armscor; isang magazine ng cal. 9mm; limang cartridges ng cal. 9mm; 50 cal. 22 cartridges at iba’t ibang drug paraphernalia.

KIDNAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with