_ngayon
^

Probinsiya

Lola, 2 bagets huli sa P.5 milyong shabu

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Aabot sa P.5 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang 64-anyos na lola at dalawang 17-anyos na binatilyo na dumayo pa para magbenta ng droga sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Malapit, San Isidro, lalawigang ito nitong Sabado ng hapon.

Nakilala ang mga suspek na sina Baolinang Pithailan alyas “Nay”, 64, ng Brgy. Manggahan, Commonwealth, Quezon City at mga kabataang itinago sa mga pangalang “Inlo” ng Baliwag, Bulacan at “Macky” ng Caloocan City.

Sa ulat kay P/Lt. Col. Marvin Joe Saro, Nueva Ecija Police Provincial Office director, ang mga suspek ay nahulihan ng 15 plastic sachet ng umano’y shabu na nasa 75 gramo at may street value na P500,000.

Alas-3 ng hapon isinagawa ang buy-bust ng Drug Enforcement team ng San Isidro Police, sa pakikipagkoordinasyon ng PDEA-Region 3. Nabilhan umano ng isang sachet ng shabu ng poseur buyer si Pithailan habang tila naka-escort umano sa kanya ang dalawang binatilyo.

Agad na dinakma ang mga suspek at nang sila ay kapkapan, nakuha pa sa matanda ang 14 plastic sachet ng umano’y shabu. Narekober din sa kanila ang P1,000 buy-bust money at pitong piraso ng P1,000 boodle money.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with