^

Probinsiya

‘Mastermind’ sa ambush-slay ng abogado sa Palawan, sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
�Mastermind� sa ambush-slay ng abogado sa Palawan, sumuko
Kinilala ni Palawan Provincial Police Office Director P/Col. Nicolas Torre ang sumuko na si Marcelino Quioyo na humingi ng “protective custody” dahil umano sa takot para sa kanyang buhay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Sumuko na sa mga awtoridad ang sinasabing “mastermind” o “utak” sa pagpatay sa isang abogado sa lalawigan ng Palawan nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni  Palawan Provincial Police Office (PPO) Director P/Col. Nicolas Torre ang sumuko na si Marcelino Quioyo na humingi ng “protective custody” dahil umano sa takot  para sa kanyang buhay.

Si Quioyo na itinuturong may pakana sa pagpatay kay Atty. Eric Magcamit ay sumurender pasado alas-3 ng hapon.

Una rito, naaresto ang bodyguard ni Quioyo na si Police Senior Master Sgt. Ariel Pareja, na kinasuhan ng murder kasama ang amo nitong si Quioyo, isang tinukoy sa pangalang Jazer del Rosaro at anim na iba pa.

Magugunita na si Magcamit ay patungo sa paglilitis ng hawak nitong kaso sa bayan ng Quezon, Palawan nang pagbabarilin noong Nobyembre 17 ng mga armadong salarin. Ang biktima ay natagpuang nakabulagta sa kalsada sa labas ng kaniyang behikulo sa Narra, Palawan.

Lumilitaw na alitan sa lupa ang motibo sa krimen dahil si Magcamit ay abogado ng kalaban ni Quioyo.

Sa tala, nasa 50 abogado na at miyembro ng huridikatura ang napaslang sa ilalim ng administrasyon kabilang dito ay si Atty. Luis Wee sa Cebu City na pinagbabaril kamakailan at panghuli si Magcamit.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with