^

Probinsiya

Kaso ng COVID-19 sa Ilocos Norte Lumobo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Lumubo ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Ilocos Norte matapos na makapagtala ng 51 na bagong kaso na karamihan ay mula sa kabisera ng Laoag City na nasa pangalawang araw pa lang ng pagkakasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) kahapon.

Ayon sa Task Force Salun-at na nangangasiwa ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan, karamihan sa mga nagpositibo sa pinakahuling pagsusuri ng Department of Health ay mga umuwing residenteng lokal at mga overseas Filipino workers.

Idinagdag ng Task Force na tatlo ang kaso ng local transmission sa Laoag Cityna nakapagtala ng 40 na bagong kaso sa loob ng dalawang araw.

Matatandaan na noong Biyernes ay 12 preso sa Ilocos Norte Provincial Jail na nasa Laoag City ang dumag­dag sa talaan ng lungsod na mayroon nang kabuuang 66 aktibong kaso ng COVID-19.

Sa kasalukuyan ay lumobo na sa 285 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Ilocos Norte at 122 dito ang aktibo at mayroon nang dalawang nasawi.

vuukle comment

COVID-19

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with