Pumatay sa pinsan timbog, nasamsaman pa ng shabu
Kinilala ng Zaragoza Police ang suspek na si Jasper de Pano, 28, may-asawa ng Brgy. San Vicente, Zaragoza, NE na nahulihan pa ng isang plastic ng shabu matapos siyang kapkapan ng awtoridad.
Philstar.com/John Unson

Pumatay sa pinsan timbog, nasamsaman pa ng shabu

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - November 28, 2020 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang isang 28-anyos na lalaki na bumaril at pumatay sa nakainumang 22-anyos na pinsan sa Brgy. San Vicente sa bayan ng Zaragoza, dito sa lalawigan kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng Zaragoza Police ang suspek na si Jasper de Pano, 28, may-asawa ng Brgy. San Vicente, Zaragoza, NE na nahulihan pa ng isang plastic ng shabu matapos siyang kapkapan ng awtoridad.

Ayon sa mga kaibigang kainuman ng suspek at biktima, si Jasper umano ang bumaril at nakapatay sa pinsan niyang si Jomar de Pano, 22, binata ng nasabi ring barangay.

Ala-1:20 ng mada­ling-araw noong Huwebes, matapos mag-inuman, lumabas na umano sa kalsada ang mga kaibigan ng magpinsan upang hintayin ang sasakyan nila. Na­iwan umano sa garahe ang biktima at suspek na may hawak na airgun. Ilang sandali ay nakari­nig na ng putok ng baril ang mga residente at ilang kaibigan hanggang sa natagpuang may tama ng bala sa kanyang dibdib ang biktima na isinugod sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan City pero binawian din ng buhay habang ang suspek ay natunton din ng pulisya­, ilang oras matapos ang insidente.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with